387

By

Bitay para sa mga kurakot, pinaubaya sa Kongreso

Ipinauubaya na ng Malacañang sa Kongreso ang pagpapasya kung palulusutin ang mungkahing patawan ng death penalty ang mga pulitikong napatunayang sangkot sa katiwalian o guilty sa kasong plunder.

Sa harap na rin ito nang pagtakbo sa katatapos na eleksiyon ng ilang pulitikong inakusahan ng plunder at naghangad na makabalik sa puwesto.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na bahala na ang Kongreso na magdesisyon kung sang-ayon sila sa mungkahi ng Presidential Anti-Corruption Commission o PACC.

“Nasa Congress na yan if they are amenable to that suggestion,” ani Panelo.

Hindi naman masabi ng kalihim kung nananatili pa rin ang posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang death penalty dahil hindi na aniya ito nababanggit sa ngayon.

Pero ayon kay Panelo, ang planong pagpapanumbalik sa parusang bitay ay nais gawin para lamang sa mga nagkasala sa illegal na droga, partikular sa mga druglords o supplier ng droga at hindi kasali ang mga corrupt at plunderer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?