78
Bishop Ledesma: Mga Katoliko kaisa sa layunin ng Ramadan
By

Bishop Ledesma: Mga Katoliko kaisa sa layunin ng Ramadan

Nagpahatid ng pagbati ang isang lider ng Simbahang Katolika sa lahat ng mga Muslim sa pagtatapos ng Ramadan na magdulot nawa umano ng pagkakapatiran sa bawat isa ang kapistahan ng Eid’l Fitr.

Kumpiyansa rin ang Simbahang Katolika na ang isang buwang pag-aayuno, pagdarasal at pagkakawanggawa sa Ramadan ay maging daan ng kapayapaan at pagkakaisa sa pagitan ng mga Muslim at iba pang denominasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang panig ng mundo.

Sinabi ni Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mutual Relations, na tulad ng panalangin ni Pope Francis, ay magbunga nawa ang pagtatapos ng Banal na Buwan ng Ramadan ng pangkabuuang pagkakapatiran.

Ipinagdasal din ng arsobispo ang pag-usad ng kapayapaan at pag-unlad sa Mindanao lalo na sa mga pagbabagong hatid ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Aniya pa, kaisa ng mga kapatid na Muslim ang mga Katoliko sa layunin ng Ramadan na panahon ng pagsisisi, pagninilay at panahon ng pananalangin ng mga Muslim.

Sa rekord, umaabot sa 10 milyon ang bilang ng mga Muslim sa Pilipinas na karamihan ay mga Katoliko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?