165

By

Bird Box challenge ban na sa YouTube

Hinarang na ng Internet video platform YouTube ang mga video na naglalaman ng sikat na Bird Box “challenge” kung saan naka-blindfold ang mga motorista habang nagmamaneho.

In-update ng kumpanya ang kanilang polisiya matapos ang mga ulat ng mga aksidente na may kaugnayan sa naturang challenge, na hango sa sikat na Netflix movie kung saan isang karakter dito ang nagda-drive nang naka-blindfold.

“We recently announced updates to our policies regarding dangerous challenges and pranks. Challenges that present an apparent risk of death are not allowed on YouTube,” sabi sa anunsiyo ng YouTube.

“We also don’t allow pranks that lead victims to believe they are in physical danger or that can cause real physical harm. Dangerous or abusive pranks that may cause emotional distress to children are not allowed,” sabi pa nito.

Nagkaroon din umano sila ng polisiya kung saan sinasala nila ang mga video na nakakatawa sa nakakasakit o delikado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?