270
May-ari ng car shop arestado sa pagnanakaw ng sasakyan
By

BIR officer, 2 babae arestado sa extortion

Nahuli sa isinagawang entrapment operation ng National Bureau of Investigation-Anti-Terrorism Division at Anti-Graft Division ang isang opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at dalawang kasabwat nitong babae makaraang mangikil ng P300,000 sa isang negosyante.

Kinilala ang mga nadakip na sina BIR Revenue Officer 2 Reynaldo Lojuco, 51, nakatalaga sa BIR-Plaridel, Bulacan; Bernadeth Carino, 25, at Sheila Marie Santiago, 31.

Naaresto ang tatlo noong Marso 21 sa isang fast food chain sa Plaridel matapos ireklamo ng biktimang si Geronimo dela Cruz, 44, may negosyong second-hand Randy Bottles sa Plaridel.

Reklamo ni Dela Cruz, naibasura na umano ang P10-million tax evasion case laban sa kanya pero nilapitan siya ni Lojuco at binantaang bubuhayin muli ang kaso nito kapag hindi nagbigay ng P300,000.

Dito nagpasyang dumulog sa NBI si Dela Cruz at isuplong si Lojuco.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act; direct bribery; at robbery extortion.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?