50

By

Binyag kay Parks kontra Gins agad

Bibinyagan ng TNT ang bagong recruit nilang si Bobby Ray Parks Jr. laban sa Ginebra sa second game ng PBA Governors Cup sa Smart Araneta Coliseum mamaya.

Nitong Linggo pormal na napunta sa KaTropa si Parks mula Blackwater kapalit nina Don Trollano at Anthony Semerad plus 2021 draft pick.

Nauna ng dalawang linggo sa KaTropa ang teammate ni Parks na si Mike Digregorio na isinwap ng Elite para kay Brian Heruela.

Injured si Jayson Castro, si Parks muna ang isasabak sa backcourt kasama sina RR Pogoy, Ryan Reyes at Samboy de Leon.

Inabot ng injury sa paa si Castro sa 126-113 loss ng TNT sa NLEX nitong Oct. 25. Hanggang anim na linggong mawawala ang veteran guard.

Sa 7-1 ay nasa No. 2 sa standings ang KaTropa, sa likod ng kabuhol nilang Road Warriors.

No. 2 pick ng Blackwater si Parks noong December, pero sa midseason

Commissioner’s Cup na nakalaro dahil tinapos pa ang obligasyon sa San Miguel Alab Pilipinas sa ASEAN Basketball League.

Kilala sa opensa si Parks, nag-a-average ng 20.11 points sa siyam na laro sa season-ending conference, at palamuting 5.0 rebounds at 3.56 assists per game.

Sinabi ni coach Bong Ravena na higit sa kanyang opensa ay magagamit ding depensa ang anak ni dating seven-time Best Import Bobby Parks.

“Ray is a legit 2-way player. He is better defensively than he is offensively,” pahayag noon ni Ravena. “Offensively, we can play through him on balls and in the post. He is a willing passer and is not selfish.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?