272
abby--binay

Binay pa rin! Abby dineklarang Makati Mayor

Panalo si incumbent Makati Mayor Abby Binay kontra sa kanyang kapatid at dating mayor din ng lungsod na si Junjun Binay.

Ayon sa latest result ng City Board of Canvassers, umabot na sa 175,385 ang boto para kay Abby, may 96,299 naman si Junjun, ikatlong pwesto si Ricky Yabut na may 22,987.

Saad ng Board of Canvassers na hindi na mahahabol pa ang kalamangan at hihintayin na lang ang proklamasyon ng Commission on Elections para pormal na ihayag ang pagkapanalo ni Abby.

Samantala, lamang pa rin si Romulo ‘Kid’ Peña kontra kay ex-Vice President Jejomar Binay para sa congressional race sa first district ng Makati.

May 68,445 si Peña habang nasa 63,014 naman ang boto para kay Jojo Binay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?