30

Mar 23, 2020 @ 14:08
By

Binatilyo sumuway sa curfew, nagbenta ng shabu

Arestado ang 18-anyos na binatilyo nang mahulihan ng 300 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P2 milyon sa Cebu City.

Ayon kay Police Colonel Hector Grijaldo Jr., director of the Cebu City Police Office, hindi lang pagpapatupad ng curfew ang kanilang sinasagawa sa ngayon, pero maging ang pagbabantay din sa mga iligal na aktibidad sa lugar.

Sa ulat, dumaan umano sa surveillance ng awtoridad ang suspek na kinilalang si Merton Alabara, taga-Brgy. Duljo Fatima, bago magkasa ng buy-bust operation noong Linggo alas-11:00 ng gabi.

Kahit umano may pinatutupad na curfew, nakipagkita ang suspek sa poseur buyer sa B. Aranas Street sa Brgy. San Nicolas kung saan ito naaresto.

Nabatid ang iligal na transaksyon ni Alabara mula sa dating nahuling drug suspect, tumanggi naman umano itong pangalanan kung sino ang supplier niya ng iligal na droga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?