7,490

By

Binatilyo nahulog sa Trinoma Mall

Nalaglag o nag-suicide?

Ito ngayon ang masusing iniimbestagahan makaraang lumagapak sa ground floor at namatay ang 15-anyos na binatilyo sa isang mall sa Quezon City, Sabado ng gabi.

Kinilala ni Police Corporal Rodney D Bay-Os, imbestigador ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD) ang biktima na si Julber, naninirahan sa Brgy. Salvacion, Quezon City.

Sa inisyal na report, ang insidente ay nangyari dakong alas-6 ng gabi sa Trinoma Mall malapit sa Valet Parking entrance sa Mindanao Avenue ng nasabing lungsod.

Ayon sa security guard ng mall na si Larry Cabildo, nagroronda umano siya sa bisinidad ng gusali nang makarinig siya ng isang malakas na kalabog malapit sa valet parking.

Agad niyang tinungo ang lugar kung saan siya nakarinig ng malakas na kalabog at laking gulat niya nang bumungad sa kanya ang katawan ng binatilyo.

Mabilis na humingi ng saklolo ang sekyu sa mga kasamahang guwardiya at sinugod sa Veteran Medical Center subalit dineklara itong dead on arrival ni Dr. Joey Cueto, bandang alas 6:20 ng gabi.

Batay sa isinagawang eksaminasyon ng SOCO, ang biktima ay nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan na naging dahilan ng kamatayan nito.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung saang palapag nahulog o tumalon ang biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?