184
Pulis ninakawan ng baril, ginulpi ng 2 holdaper
By

Binatilyo kritikal matapos barilin sa barangay hall

Malubha ang lagay ng isang binatilyo matapos madamay sa galit ng suspek nang magreklamo ng panghihipo ang kanyang ka-live in partner sa Malabon City.

Nakilala ang biktima na si Jimboy Nobleza, 19-anyos, estudyante at residente ng No. 113 Adante St., Barangay Tañong, Malabon City.

Nagtatago naman ang suspek na si Jessie Boy Cordero, alyas Burnok, 22, construction worker at residente ng Camia St., Barangay Maysilo, Malabon City.

Batay sa report, nagtungo sa Barangay Tañong Hall ang live-in partner ng suspek na si Kristine Joy Andalas para magsampa ng reklamo kaugnay sa pambabastos at panghihipo sa maselang bahagi ng katawan niya ng mga naarestong sina Daren Larto, 36, at Carlo Buenaventura, 21.

Sumama naman ang biktima na si Nobleza para suportahan ang mga kaibigan.

Habang isinasailalim sa pagtatanong ng opisyal ng barangay ang dalawang nanghipo umano, dumating ang suspek at agad na nagbanta na mamamatay ang unang lalabas ng barangay hall.

Hindi inakala ng mga opisyal ng barangay na tototohanin ito ng suspek at sa hindi inaasahang pagkakataon ay unang lumabas si Nobleza para umuwi ng bahay.

Laking gulat ng lahat nang makarinig ng putok ng baril at nakitang duguang tumumba si Nobleza na kritikal ngayon sa Ospital ng Malabon.

Nakatakas naman ang suspek na pinaghahanap na.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?