29

May 19, 2020 @ 15:33
By

Binata timbog sa pagnanakaw ng 40 kalapati

Kalaboso ang isang 18-anyos na lalaki matapos magnakaw ng mga mamahaling kalapati sa Malolos, Bulacan.

Ayon sa ulat, 40 na kalapati ang ninakaw ni Jordan Butahan sa Barangay Sapang Putol sa bayan ng San Ildefonso pero 30 lang ang narekober sa kanya nang makorner siya ng mga pulis noong Lunes.

Samantala, huli naman sa pagnanakaw ng communication cable lines sa Sitio Malanggam, Barangay Bulihan ang mga suspek na sina Michael Angelo Calayag, 25; Cyrills Azucena, 29, at John Paul Azucena, 19.

Nagkaroon ng sandaling habulan ang Malolos police sa mga suspek na sakay ng puting van sa Barangay Bulihan.

Nakorner ang mga ito sa Barangay Sumapang Matanda na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang Azucena.

Kalaunan naman ay sumuko sa presinto si Calayag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?