132
Misis naglasing muna bago nagbigti
By

Binata sinermunan ng ina, nagbigti

Tinapos ng 37-anyos na binata ang pakikipagtalo sa kaniyang ina tungkol sa dating kasintahan sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob ng kanilang tahanan sa Quezon City.

Kinilala ang nasawi na si Aubrey Lou Dialino, binata, electrician at natagpuang nakabigti dakong alas-11:30 ng gabi noong Abril 14 sa kaniyang silid sa Brgy. Payatas.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, bago natagpuan ang bangkay ni Dialino ay pinagalitan ito ng kanyang ina dahil sa pinoproblema umano nito ang kaniyang dating nobya.

Matapos ay nagkulong umano ang binata sa loob ng kaniyang silid subalit makalipas lamang ang kalahating oras ay narinig umano ng tatay nito na si Mang Carlos na tila may kakaibang ungol sa kuwarto ng anak.

Kinatok umano ni Mang Carlos ang silid ng anak at nang wala siyang naririnig na kumikilos para buksan ang pinto ay puwersahan na niyang itinulak ito at doon ay bumungad sa kaniya ang nakabigting si Aubrey.

Agad itong sinaklolohan ni Mang Carlos at ibinaba sa pagkakabigti saka isinugod sa East Avenue Medical Center subalit binawian din ito ng buhay dakong alas-12:28 ng hatinggabi ng Abril 15, ayon sa attending physician na si Dr. Xyrus Seares.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?