47

Feb 25, 2020 @ 12:43
By

Binata patay sa preno ng truck

Tepok ang isang estudyante habang nasugatan naman ang kanyang kasama matapos bumangga sa six-wheeler truck ang sinasakyan nilang motorsiklo sa kalsada ng Barangay Minanga, San Mariano, Cauayan City Isabela noong Lunes.

Kinilala ang namatay na si Jaymark Flores, 15, estuyante.

Samantala, sugatan naman ang kapwa niyang estudyante na si Gerald Taguimacon, 18, ng parehong lugar.

Sa report, ayon kay San Mariano Police Station (SMPS) investigator P/Staff Sgt. Rogelio Ignacio Jr., sakay ng motorsiklong Honda XRM ang dalawang estudyante na minamaneho ni Flores at sinusundan nila ang nasabing truck na minamaneho ni Gilbert Tolentino, 31, ng Sitio Caunayan, San Mariano, ng nasabing lalawigan.

Ayon sa SMPS, habang tumatakbo ay biglang huminto ang truck at bumangga sa puwetan ng truck ang motorsiklo ng mga biktima.

Sa lakas ng pagkakabangga, agad na namatay si Flores at agad na naitakbo sa pagamutan si Taguimacon.

Napag-alaman na parehong walang safety helmet ang dalawang estudyante at walang lisensya noong mangyari ang insidente.

Nakatulong si Tolentino sa SMPS jail at nahaharap sa kaukulang kaso. ALLAN BERGONIA

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?