1,084

Apr 2, 2020 @ 21:16
By

Binanatan si Duterte: Pa-fame na YouTube vlogger, kinuyog

Pinutakti ng mga hate comment ang Pinay YouTube vlogger na si Baninay Bautista dahil sa maaanghang na atake nito laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Taas ang kamay ng mga bumoto kay pduts dati pero feeling nila nasayang boto nila at kelangan na siya iparehab kase malakas na sira niya sa ulo. #OUSTDUTERTENOW,” banat ni Baninay sa kanyang Twitter account (@BaninayBautista).

“Dumb ways to die: vote for a president that will eventually shoot you or starve you to death,” dagdag niya.

Dahil dito, ilang netizen ang nagsabi na pa-fame lang daw ang vlogger at nanawagan na i-unsubscribe ito.

@kingpalmaradlo: “Pa fame ‘to haha #baninay for eviction.”

@alter_butttag: “Unsubscribe @baninay.”

@ranndaall: “To Ms.Baninay,Please use your being an ‘influencer’ to positivity. #istandwiththepresident #DutertePaRin.”

@harliekohbaby: “#baninay Lets unsubscribe babinay’s channel sa youtube!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?