634

By

Binanatan sa ‘black face’ comment: Liza tumiklop sa mga netizen

Naging tampulan ng kritisismo ang Kapamilya actress na si Liza Soberano dahil sa ‘afro look’ nito na tila ginagaya ang isang African-American.

Sa Instagram ay sumagot si Liza sa isang netizen na nag-comment na tinanong kung ‘black face’ umano ang ginaya ng aktres.

“so what do you call the Wayans siblings when they had to act like white girls? I think you dont understand the context of black face. A lot of women have afro’s it doesn’t belong to one ethnicity,” ayon sa reply ni Liza.

Pinalitan ni Liza ang nasabing comment matapos itong batikusin ng mga netizen, sinabi ni ito umano ay paggaya niya sa Spice Girls member na si Mel B.

“This is not any form of black face. It’s a costume just like how any other person would dress up if they were portraying a famous character. In this case, it’s Mel B.”

Kaagad namang nagtungo sa Twitter si Liza at humingi ng sorry para sa naging comment.

“Before everything gets out of hand I would like to apologize for those affected by my comments about the whole ‘black face’ issue. It wasn’t my intention to mock anyone of any culture or ethnicity,” ayon kay Soberano.

“I think you don’t understand the context of black face. A lot of women have afro’s it doesn’t specifically belong to one ethnicity,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?