47

By

Bilis ng internet sa ‘Pinas tumaas ng 143.74%

Nag-improve ang bilis ng internet sa Pilipinas.

Batay sa Speedtest Global Index ng OOKLA, bumuti ang internet speeds sa bansa na mula sa dating 7.91 Megabits per second (Mbps) noong Hulyo 2016 ay umakyat ito sa 19.28 Mbps noong Pebrero 2019, 143.74% na pagtaas sa loob lang ng dalawa’t kalahating taon.

Humusay din ang bilis ng internet sa mobile broadband ng 94.35% mula sa dating 7.44 Mbps noong Hulyo 2016 tungo sa 14.46 Mbps ng Pebrero 2019.

Rumanggo ang Pilipinas sa fixed broadband speed sa ika-29 sa Asya habang ika-21 sa Asia-Pacific nitong Pebrero 2019 habang ika-33 sa Asya at ika-23 naman sa Asia-Pacific sa mobile broadband internet speed.

Mas mabilis na umano ang internet sa Pilipinas kumpara sa Cambodia, Brunei, Indonesia at Myanmar.

Samantala, inaasahan namang mas bubuti ang internet speed sa bansa at magiging mura kapag nag-operate na ang ikatlong major telco player na Mislatel Consortium.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?