76

By

‘Bikoy’ pinakawalan na ng CIDG

Inalis na sa protective custody ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Peter Joemel Advincula, alyas “Bikoy”.

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Bernard Banac, dalawang linggo na ang nakalilipas nang alisin si Bikoy sa kustodiya matapos nitong magbigay ng written affidavit tungkol sa akusasyon na ang oposisyon sa pangunguna ni Senador Antonio Trillanes IV ang nasa likod ng mga narco video.

“Mr. Advincula is free. He is out of the custody of the PNP,” sabi ni Banac.

Dagdag pa ni Banac, malaking tulong na sa imbestigasyon nila hinggil sa alegasyon ni Advincula ang affidavit nito at sakaling may mga tanong pa sila, maaari naman nilang i-reach out ang huli.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?