41

By

Bikoy nakalaya matapos magpiyansa

Pinakawalan sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) facility sa Camp Crame, Quezon City si Peter Joemel Advincula alyas “Bikoy” matapos na maglagak ng piyansa.

Alas-2:45 ng hapon natanggap ng CIDG-National Capital Region Field Unit ang release order para kay Advincula matapos magpiyansa ng P10,000 para sa kasong cyberlibel na isinampa ng Bicolano businessman na si Elizaldy “Zaldy” Co noong Mayo 14 matapos siyang idawit sa “Ang Totoong Narcolist” videos.

Sinabi rin ni Bikoy na ginagamit ang basement sa loob ng Misibis Resort and Hotel Management Inc., na pag-aari ni Co, bilang drug laboratory. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?