43
kamara
By

‘Bikoy’, FB, Youtube ipapatawag ng Kamara

Iimbitahan ng House of Representatives si Peter Joemel Advincula o “Bikoy” maging ang social media giants na Facebook at Youtube sa pagdinig at titingnan ang posibilidad ng pananagutan ng mga ito kaugnay sa pagkalat ng mga video na nagdadawit sa pamilya Duterte sa iligal na droga.

Ayon kay Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin, kahit inamin ni “Bikoy” na napag-utusan lang siya, posible namang nagtagumpay ito sa pagsira sa reputasyon ng mga indibiduwal na pinangalanan niya sa viral na “Ang Totoong Narco List“ series habang ang FB at Youtube naman dahil sa naging daan ito para maisapubliko ang mga video.

Kaugnay nito, naghain na si Garbin ng House Resolution na nag-aatas sa Committee on Information and Communications Technology para magsagawa ng inquiry, in aid of legislation, sa mga video ni Bikoy.

Batay pa sa resolusyon, nanawagan din ang mambabatas na magpasa ng panukala na magpapahintulot sa gobyerno para sa agarang pagtatanggal ng social media contents na “libelous, seditious defamatory and/or contrary to any provision of existing laws.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?