576
Biko ipinagbawal sa Pasig noong kampanya – Vic Sotto
By

Biko ipinagbawal sa Pasig noong kampanya – Vic Sotto

Ibinunyag ni comedian Vic Sotto na ipinagbawal noong kampanya ang pagbebenta ng kakaning biko sa Pasig City.

“Alam mo pinagbawal ang pagbenta ng biko. Ganun ka-petty. Akala [ko] joke lang. Hindi, totoo pala,” kuwento ni Sotto sa ABS-CBN report.

Si Sotto ang ama ni Vico Sotto, ang iprinoklamang alkalde ng Pasig City at nagwakas sa 27 na taon na pamamayagpag ng mga Eusebio sa lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?