33

May 21, 2020 @ 16:14
By

Biik pinanganak na may 2 ulo, 3 mata!

Nagulantang ang amo ng isang baboy matapos na iluwal ang biik nito na kakaiba ang aniyo.

Sa Facebook post ni Cathy Dulalia Cancel, kanyang pinakita ang biik na may dalawang ulo at tatlong mata.

Lunes ng madaling-araw sa Balasan, Iloilo isinilang nag nasabing biik na pinangalanan nilang ‘Copig’.

Hindi rin ito nagtagal dahil Mayo 18 ay nasawi din agad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?