79
Biggest comeback! Warriors abante ng 31, tinalo pa ng Clippers
By

Biggest comeback! Warriors abante ng 31, tinalo pa ng Clippers

Tila kasado na ang 2-0 advantage ng Golden State Warriors, ngunit biglang gumuhit ng milagro ang Los Angeles Clippers para maitabla ang serye.

Pagpasok ng halftime, 23 puntos ang lamang ng GSW, lalo pang nabaon ang Clippers matapos ilista ang 31-points lead, 94-63, 7:31 minuto sa third canto.

Ngunit kaagad na nakabalikwas ang bataan ni Doc Rivers, naibaba ang lamang sa 14 pag-entra ng final period.

Dito na nagsimulang humataw ang two-time NBA Sixth Man of the Year na si Lou Williams, nakipagsabayan sa dulo para maitakas ang panalo.

Sa huling 30 seconds ng laban, lamang ang Warriors ng isa, 131-130, tangan ni Williams ang bola na nalansi ang defender para malibre si Landy Shamet sa wing na ipinukol ang panlamang na tres.

Sinubukan ni Stephen Curry na manakaw ang lamang sa bisa ng tres ngunit tumalbog sa rim para ibigay ang Clippers win, 131-135.

Tumabo si Williams ng 36 points, 11 assists at dalawang rebounds, may 25 markers, 10 boards naman si Montrezl Harrell na dumepensa rin sa pampanalo sanang tira ni Curry.

Sargo naman sa 29 points, six assists, si Curry, may 21 points, tig-5 dimes at boards naman si Kevin Durant.

Sa panalo nalampasan ng Clippers ang 29-point na hinabol ng Los Angeles Lakers kontra Seattle Supersonics sa playoff game.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?