22

Mar 26, 2020 @ 9:46
By

Bigayan ng relief goods sa Valenzuela maayos

Nasusunod ang patakaran na social distancing sa pagkuha ng food pack sa Lungsod ng Valenzuela.

Sa isang 23-segundong video tweet ng pamunuan ng lungsod, makikita kung paano binibigay ang relief goods sa Barangay Ugong.

Mula sa magkakalayong upuan, isa-isang tatawagan ang residente, paglalagayin ng alcohol/sanitizer sa kamay, bubuhatin ang isa sa mga nakaimbak na mga food pack, saka aalis.

Merong nakabantay na kawani sa kada istasyon, at may pagitan sa bawat residente.

Matatandaang ginisa ng madla ang pamunuan ng ilang lungsod, gaya ng Las Piñas, na lumabag sa patakarang social distancing laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?