7,753

Mar 26, 2020 @ 18:03
By

Bigas, pirasong noodles at de-lata relief goods ni Lani sa Bacoor

“Seryoso?”

Ito ang tanong ng netizen sa binigay na ayuda ni Mayor Lani Mercado-Revilla sa mga residente nito sa Bacoor City para sa isang buwan na lockdown.

Sa Facebook post ni Jesse Certeza, makikitang bigas na nasa isa hanggang dalawang kilo, isang piraso ng noodles at isang de-lata ang pinamigay ni Revilla.

“Bacoor City government gives its people 1-2 kg of rice, 1 pack of noodles, and 1 canned goods for one month of City lockdown. Seriously? Mayor Lani Mercado—REVILLA?” tanong ni Certeza.

Nainsulto naman sa relief goods ni Revilla ang karamihan ng mga netizen.

Iluminada Salas: “Insulto to the max!”

Czareah Felyn: “Omg! nakakahiya nman sa kanila.”

Denciô Isungga: “Saw her sa news saying wala na daw pondo ang Bacoor!!! Me: Edi humingi ka sa asawa mong daan-daang milyones ang nakulimbat!!! Pati ba naman pondo ng Bacoor pinatos nyo!!!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?