132

By

‘Bigas kapalit ng plastic’ sa Cavite pinusuan ng netizens

Isang barangay sa Silang, Cavite ang hinahangaan dahil sa pakulo nitong “isang kilong plastic kapalit ay isang kilong bigas”.

Layon umano ng Barangay Tartaria na mahikayat ang kanilang mga residente sa tamang pagtatapon ng basura kaya inilunsad nila ang nabanggit na proyekto.

Pawang positibong komento naman ang natanggap nito sa netizens mula nang i-post noong Pebrero 4, 2019.

Habang isinusulat ito ay mayroon nang mahigit 5,000 na likes, wow at heart ito sa Facebook.

Mayroon na rin itong mahigit 1,000 comments at 26,000 shares.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?