347

By

Bida sa Korean movie ‘Miracle in Cell No. 7’ nag-react sa Pinoy version ng pelikula

Nakarating na sa kaalaman ng original na bida ng hit Korean film na “Miracle in Cell No. 7” na si Ryu Seung Ryong na ginawan ng Philippine adaptation ang movie.

Binahagi ni Ryong ang movie trailer kung saan si Aga Muhlach ang gumanap na mentally challenged man na nakulong sa krimeng hindi naman niya ginawa.

“So touched to know that there will be a Philippine remake,” sabi sa caption ng Korean actor.

Proud naman ang Viva Films na na-recognize ng Korea’s biggest movie star ang Philippine remake ng movie.

“One of the biggest movie stars in Korea, Ryu Seung-Ryong reacts and shares the teaser of the Philippine adaptation of Miracle in Cell No. 7. Thank you very much for your warm support! #MiracleInCellNo7 opens Dec. 25 in cinemas nationwide and is an official entryto the #MMFF2019,” sabi ng Viva.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?