40

By

Bicol Volcanoes, bibisita sa TOPS

Dadalaw para sa 31st edition ng Usapang Sports ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ang MPBL squad Bicol Volcanoes Huwebes, Hulyo 18, sa National Press Club sa Intramuros.

Tatalakayin nina Bicol Volcanoes president Gil Orense at vice president Mark Tan ang tsansa at paghahanda ng koponan sa MPBL Lakan Cup kasama pa sina team major backer LCC Department Store president Ed Ponce at LCC Supermarket head Eric Poiret.

Bibisita rin sa 10am weekly sports forum na iniisponsoran ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR at Community Basketball Association sina Bicol assistant coach Ronnie Dojillo at ilang players.

Kasalukuyang nasa 4-2 win-loss record ang Volcanoes na binabandera nina ex-PBA star Ronjay Buenafe, Chris Lalata at Jerome Garcia sa pamumuno ni coach Monel Kallos.

Iniimbitahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat ng officers at members na dumalo sa sports session na mapapanood rin sa Facebook live via Glitter Livestream.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?