32
Bicam meeting ukol sa 2019 budget, inisnab ni Lacson
By

Bicam meeting ukol sa 2019 budget, inisnab ni Lacson

Hindi na sinipot ni Senador Panfilo Lacson ang naging pinal na pulong ng Bicameral Conference Committee na bumusisi sa panukalang 2019 national budget.

Ayon sa senador, magtatalumpati na lamang siya sa Senado para ihayag kung bakit dismayado siya sa badyet.

Sa talumpati na rin lang niya sasagutin ang alegasyon ni House Appropriations Committee Chairman at Camarines Sur Congressman Rolando Andaya na may P3B pork barrel ang bawat senador.

Si Lacson ang nagbulgar ng umano’y P160M pork barrel ng lahat ng mga kongresista at ng bilyon-bilyong pork barrel umano nina Andaya at House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Sinabi rin niya na may P23B pork barrel ang mga senador na bukod pa sa institutional amendments ng Senado na aabot sa P100B.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?