37

By

Bibisita sa may sakit na ina: De Lima pinayagang makalabas

Pinanigan ng Muntinlupa Regional Trial Court ang motion to furlough ni Senadora Leila De Lima para makabisita sa ina nitong may karamdaman.

Sa dalawang magkahiwalay na order mula Muntinlupa RTC Branch 205 at 256, kinatigan ng korte ang 48 oras na paglabas ni De Lima mula sa pagkakadetine na magsisimula ngayong Agosto 14 hanggang bukas, Agosto 15.

Kakailanganing makabalik ni De Lima sa PNP Custodial Center sa Agosto 16.

“PNP Chief Director Oscar Albayalde or his representative, in coordination with the Sheriff of this Court shall provide adequate personal escorts and security measures in all movements and disposition of accused De Lima,” ayon sa court order.

Sa Iriga namamalagi ang ina ni De Lima na si Norma Magistrado De Lima, lahat ng gagastusin sa pag-uwi ng senadora ay sarili nitong gastos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?