260
Bianca, Miguel tapos nang magpa-cute
By

Bianca, Miguel tapos nang magpa-cute

Inamin ni Bianca Umali na may kaba sila ng ka-loveteam niyang si Miguel Tanfelix dahil ang papalitan ng teleserye nilang Sahaya ay ang top-rating na Onanay.

Kahit na may nagsasabi walang dapat na ikakaba ang BiGuel loveteam dahil ang huling primetime teleserye nila na Kambal, Karibal ay isa sa naging top-rating teleserye noong nakaraang taon. Pero ayaw makapante ni Bianca at tuwing may bagong show daw sila ni Miguel ay nandoon ang kaba niya.

“Maganda raw po iyong kinakabahan kesa sa maging over-confident. Grabe po ang naging ratings ng Onanay kaya sana po tangkilin din nila ang Sahaya.

“Iba po ang Sahaya sa mga nagawa namin ni Miguel dahil may history ito ng isa sa mga matagal nang tribo ng ating bansa. Malalaman nila ang kultura ng mga Badjao at kung paano sila nabubuhay na dala ang mga nakasanayan nilang tradisyon.

“Ma-entertain at ma-educate po ang mga viewers all at the same time,” diin pa ni Bianca.

Sa walong taon daw na magkasama sila ni Miguel sa maraming TV shows, mas mature na raw sila sa Sahaya. Tapos na ang pagpapa-cute namin sa TV. Medyo mature na po kami at iba itong Sahaya sa mga nagawa namin. Mapapakita na namin ni Miguel ang maturity namin bilang mga aktor na sana ay ma-appreciate po ng fans namin,” pagtapos pa ni Bianca Umali.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?