50

Nov 22, 2019 @ 15:16
By

BI naka-heightened alert na para sa SEA Games, holiday

Isinailalim ng Bureau of Immigration (BI) ang mga tauhan nito sa heightened alert para na rin sa nalalapit na Southeast Asian (SEA) Games at holiday sa bansa.

Inilabas ni BI Commissioner Jaime Morente ang direktiba dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga Pilipino at banyagang biyahero sa susunod na mga linggo.

Ipapatupad din daw ang “No Leave, No Absences” policy sa SEA Games at holiday.

“Our men have been instructed not to go on leave during the peak season to maximize our manpower,” saad naman ni BI port operations chief Grifton Medina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?