106

By

BFF ka-callmate ni misis: Kelot pinagsasaksak ang tropa, patay

Matinding selos – ito ang nakikitang motibo sa pagpatay sa isang 37-anyos na lakaki matapos pagsasaksakin ng kanyang matalik na kaibigan sa Urdaneta City, Pangasinan noong Huwebes.

Kinilala ng Urdaneta City Police Station (UCPS) ang biktima na si Jun Cordejon, ng Barangay Bactac, ng nasabing siyudad.

Samantala, ang suspek ay nakilalang si Jimmy Biado, 39, may asawa, kapitbahay ng biktima.

Base sa salaysay ng suspek, nahuli niya ang kanyang asawa na kausap ang Cordejon sa cellphone para magkita sa city proper ng Urdaneta at dito nag-away si Biado at ang kanyang misis.

Sa kanilang away, sinugod ng suspek ang biktima sa palayan kung saan siya nagpapastol at doon na pinagsasaksak sa katawan gamit ang bolo nito.

Agad na biktima sa Urdaneta District Hospital ngunit siya ay dead-on-arrival ayon sa mga medical expert.

Kusa namang sumuko si Biado sa pulis at kakakulong ngayon sa UCPS detention cell.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?