562

By

BF ng dalagita na namatay sa Sinulog party, pinakakasuhan na ni Duterte

Lumabas na ang resulta ng ginawang awtopsiya sa bangkay ni Ashley Abad, ang babaeng nag-collapse habang dumadalo sa pre-Sinulog concert noong Enero 19 sa Cebu Business Park.

Batay sa awtopsiya na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Maynila, namatay si Abad dahil sa ecstasy overdose.

Dahil dito ay ipinag-utos na umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na sampahan na ng kaukulang kaso ang boyfriend ni Abad, lumitaw man ito o hindi para magbigay-liwanag sa pagkamatay ng 19-anyos na estudyante.

Sapat na umano ang ibinigay ng mga awtoridad na panahon sa lalaki kaya inihahanda na ng Criminal Investigation and Detection Group ang kasong isasampa rito.

Isa-subpoena rin umano ang hindi nakikipagtulungang boyfriend ni Abad dahil ito ang primary suspect sa insidente.

Ang naturang lalaki at limang iba pa ang huling kasama umano ni Abad sa concert.

Si Abad ay nahimatay habang nasa Plus63 Music and Arts Festival hatinggabi ng Sinulog Festival.

Dinala siya sa kalapit na ospital at makalipas ay namatay. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?