38

By

Beyonce, BTS magkalapit sa 2020 Grammys

Magwawala umano ang mga fan kapag hindi nag-selfie sina Beyonce at K-pop group BTS sa darating na ika-62 Grammy Awards.

Nilabas na kasi ang preliminary seat card ng mga celebrity na dadalo sa nasabing event.

Dito nakitang ipinwesto ang musician couple na sina Beyonce at Jay-Z sa harapan ng BTS members, na katabi naman si Taylor Swift.

Na-excite ang madla gayong fan kasi umano ang BTS ng American singer-songwriter.

Sinabi rin nilang dapat magkakilala na ang “mag-ina” na sina Beyonce at Jimin.

Gaganapin ang Grammys 2020 sa STAPLES Center sa Los Angeles, California ngayong Enero 27 ng umaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?