267

By

Beteranong PBA referee pumanaw sa workout

Sa kasagsagan ng pagdiriwang ng ika-44 taon ng PBA, pumanaw ang isang parte ng liga sa loob ng halos walong taon.

Unang ibinalita ni Gilas Pilipinas chief scout Ryan Gregorio ang pagpanaw ni PBA referee Guillermo ‘Emi’ Tangkion.

Nasawi umano ang referee sa kasagsagan ng workout ng mga game official sa JGSGO Gym sa Cubao.

Si Tangkion ay nadala pa sa ospital ngunit hindi na naagapan pa. Siya ay edad 47-anyos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?