160

Feb 26, 2020 @ 17:31
By

‘Best days of my life’: Matteo nagpatikim sa kasal nila ni Sarah

Sa wakas ay nagpa-interview na si Matteo Guidicelli matapos ang kanilang wedding ni Sarah Geronimo, na kanyang tinuturing na ‘best days’ ng kanyang buhay.

“I just got married, it’s our sixth day together,” ayon kay Matteo sa event ng organic health product Santé Barley International sa Pasig City kung saan siya ang bagong ambassador.

“And it’s the best days of my life, and it’s the best time,” saad pa ni Matteo.

Pinakita din ni Matteo ang kanyang wedding ring sa ambush interview ng media, kung saan sa event ay kumanta rin ito ng ‘Sundo’ ng Imago.

“We are blessed. We’re all blessed,” sey pa ni Matteo.

“Everything’s the same, well I just have somebody beside me all the time. Kumbaga everything’s better.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?