59
Bersiyon ng Kamara sa 2019 budget, hindi labag sa batas – Lagman
By

Bersiyon ng Kamara sa 2019 budget, hindi labag sa batas – Lagman

Idinepensa ni Albay 1st District Rep. Edcel Lagman na constitutional at legal ang House version ng 2019 national budget.

Aniya, ang ipinadala nila sa Senado noong Marso 11 na General Appropriations Bill ay sang-ayon pa rin sa naratipikahang bicameral conference committee report.

Dagdag pa niya, bilang dating chairman ng Committee on Appropriations, alam niya kung ano ang inaprubahan ng bicameral conference committee at hindi umano nilabag ng Kamara ang ceilings sa budget.

Iginiit din ni Lagman na ang desisyon ng Kamara na bawiin ang kanilang House version ng budget ay “in good faith” para masagip ang ekonomiya at mga tao sa epekto ng tumatagal nang reenacted budget. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?