38

By

Bersamin: Dapat may tamang panuntunan sa GCTA

Sa libo-libong napalayang preso sa bisa ng Good Conduct Time Allowances (GCTA) mula 2014, 1,900 dito ang nakulong dahil sa heinous crime o paggawa ng karumal-dumal na krimen.

Dahil dito, hinikayat ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin ang pamahalaan at mga naaayong ahensya na maglaan ng maayos na panuntunan kung rerepasuhin ba o ie-execute ang nakasaad sa batas sa pag-compute at evaluate ng credits at allowances ng mga bilanggo.

“If they want to change the rule or execute the law, there should be proper guidelines,” ayon kay Bersamin sa launching ng bagong Bacolod City Justice Zone sa Bacolod City Government Center.

Sinabi pa ni Bersamin na isang pribilehiyo rin ang pagrebisa sa isang probisyon subalit dapat ito pa rin ay naaayon sa kabuuang isinasaad ng batas.

“That is their privilege and absolute right but it should be aligned with the law,” ani Bersamin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?