120
Bentahe sa publiko ang balanseng Senado – Poe
By

Bentahe sa publiko ang balanseng Senado – Poe

Nanawagan si Senadora Grace Poe sa publiko na bumoto ng iba’t ibang klase ng kandidato na magtatrabaho ng maayos para sa bansa.

Lagi umanong hinihikayat ni Poe ang mga tao na para magkaroon ng balanse sa Senado ay huwag bumoto ng iisang partido lang.

“A balance in the Senate would be for the advantage of everyone. One party will always push for a straight slate,” ani Poe.

Sa kabila na independent candidate siya, ineedorso naman ng senadora ang iba pang kandidato na naniniwala siyang magtatrabaho nang matino sa Senado.

Kabilang na rito sina Serge Osmena, Juan Edgardo Angara, Nancy Binay, Joseph Victor Ejercito, Aquilino Pimentel III, Cynthia Villar at Bam Aquino.

“Together with them we’ve collaborated and we’ve come up with I feel very substantial laws,” dagdag pa niya.

Maganda rin umano na magdagdag ng opposition senators sa Senado.

Kanina nang mangampanya sa Burgos Public Market sa Bacolod si Poe.

Ikinatuwa siyang makita ng mga nagtitinda at namimili rito na tinawag pa siyang “idol”.

Sumama rin siya sa boodle fight sa mga barangay leader sa Barangay Banago, youth forum sa Barangay Estefania at kasama ang kanyang ina na si Susan Roces at nakipag-brunch sa mga barangay chief.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?