70
Bendong frontrunner sa Best Setter award
By

Bendong frontrunner sa Best Setter award

Nangunguna pa rin para sa Best Setter award ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament si veteran setter Lai Bendong ng University of the East (UE) Lady Warriors.

Sa pagkapanalo ng UE volleybelles sa laban kontra Adamson Lady Falcons 25-14, 25-19, 25-22 noong Sabado, malaking tulong para sa koponan ang 24 excellent sets ni Bendong para masungkit ang kanilang ikatlong panalo sa torneo.

“’Yung feeling ko kasi talaga, kumbaga hindi ako naniniwala. Parang feeling ko din na, ‘Talaga ba?'” kwento ni Bendong.

Aminado ang UE playmaker na marami pa siyang kailangan i-improve at laking pasalamat ito sa tiwala ng kanyang mga spiker kagaya ni MeAnn Mendrez, Judith Abil at veteran libero Kath Arado.

“Para siya sa mga teammate ko, actually, kasi sila talaga naga-adjust sa set ko. Kasi ako din, personally, alam ko sa sarili ko, hindi talaga maganda ‘yung set ko. ‘Yun ‘yung nakikita ko sa sarili ko. Nakakatuwa lang din,” wika pa ng graduating student.

Kasalukuyang uma-average si Bendong ng 7.09 excellent sets (per set) kung saang naungusan nito si reigning Best Setter Deanna Wong ng Ateneo na may 6.42 excellent sets (per set) at graduating veteran Ayel Estrañero ng UP na 6.21 excellent sets (per set).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?