36

By

Ben Adams ng A1, bet si Sarah G

Magbabalik sa Pilipinas ang British-Norwegian boy band na A1 para sa isang concert.

Naitanong ng isa sa member nitong si Ben Adams sa mga fan kung sino ang maaaring maka-duet niyang female artist kung saan lumutang ang mga pangalang Sarah Geronimo at Catriona Gray.

“… now I just need to find their contact details and make it happen! #Philippines (face with party horn and party hat emoji),” sabi niya sa Twitter.

Kalaunan sinabi ni Ben na nag-check siya ng mga video at article tungkol kay Sarah at sinabing namangha siya rito.

Kaya nag-email na umano siya sa kampo ni Sarah na Viva Artist Agency para maging guest ito.

“So let’s see what they say……(finger crosses emoji) thanks everyone! #Philippines,” sabi pa niya sa post.

Ilan sa mga kantang pinasikat ng A1 ang “Like A Rose,” “One Last Song,” Heaven By Your Side,” “Everytime,” at “One More Try.”

Samantala, makakasama ng A1 ang O-Town sa isang concert sa Nov. 9 sa Mall of Asia Arena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?