32

Mar 8, 2020 @ 17:53
By

Belt ni Ferguson sinipa ni Khabib

Tinadyakan ni Khabib Nurmagomedov ang interim UFC lightweight championship belt ni Tony Ferguson matapos magkainitan sa kanilang media promotion nitong Biyernes.

Nag-ugat ang nasabing girian nang asarin ni 36-anyos fighter Tony si Khabib na duwag ito, weak-minded at fake brawler.

‘Di naman nagpatinag at agad ding bumanat si Russian MMA fighter Khabib at sinabihin nitong pekeng Mexicano si Tony dahil sa sinilang ito sa California.

Dumipensa naman si Tony nang sabihin itong proud itong Kano.

Kukuhanan na sana sila ng mga photographer ng media ng litrato ngunit tuloy pa rin ang kanilang kahulan sa podium hanggang sa binaba na ni Tony ang bitbit niyang belt at tuloy pa rin sila sa bangayan.

Nang ‘di na nakapagpigil ang napikong si Khabib ay sinipa nito ang hinubad na belt ni Tony.

Kalaunan ay pinulot ni Tony ang kanyang belt sabay akusa ng pambabastos ni Khabib sa buong liga dahil sa pagsipa sa nasabing UFC belt.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?