53

By

Belo kikita ng P16.2M sa Blackwater

Hindi pa handang pakawalan ng Blackwater ang natitira sa kanilang core na si Mac Belo matapos dumaan sa serye ng balasa ang koponan sa papalapit na trade deadline.

Pumirma ng three-year, P16.2-million contract si Belo sa Blackwater, ito’y sa kabila ng mga trade rumor sa manlalaro.

“”Sa ngayon di ko na iniisip yun. Iniisip ko lang ngayon kung ano ang nasa harap ko,” ayon kay Belo.

Dadaan sa rebuilding period ang Blackwater matapos i-trade ang apat sa kanilang mga manlalaro, si Ray Parks at Mike DiGregorio ay napunta na sa TNT, nalipat naman sina Allein Maliksi at Raymar Jose sa Meralco.

“The franchise wants Mac Belo and Paul Desiderio to be the new faces of the team,” ayon kay Blackwater coach Aris Dimaunahan.

“As a leader ng team, kailangang ko lang na tulungan yung mga coaches, yung mga teammates ko na maging one page kami sa lahat ng mga gagawin namin,” saad naman ni Belo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?