191
Belmonte pambato ng Iglesia Ni Cristo sa QC
May 9, 2019 @ 15:22
By

Belmonte pambato ng Iglesia Ni Cristo sa QC

Nakamit ni Quezon City mayoral candidate Joy Belmonte ang endorsement ng maimpluwensiyang Iglesia ni Cristo (INC) sa Quezon City.

Pinasalamatan naman ni Belmonte ang INC sa suporta nito.

“I was informed on Monday that INC will support me and majority of the candidates in my slate. This is very, very good news for us, and of course, for Quezon City because we are committed to our promise of giving selfless, top-notch service that will benefit the city’s residents,” saad ni Belmonte.

Naniniwala naman si Belmonte na kaya siya ang napili ng INC ay dahil sa malinis niyang track record at matagumpay na mga programa bilang bise alkalde ng Quezon City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?