16

By

Belga pinasiklaban si Bowles

Habang nanonood sa sideline si injured import Denzel Bowles, inspiradong naglaro si Beau Belga para balikatin ang Rain or Shine sa 86-82 win kontra Magnolia Pambansang Manok Miyerkoles ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Out na sa buong conference ang dating Best Import na si Bowles dahil sa knee injury, pinalitan ni Carl Montgomery.

Kinulang ng isang puntos si Belga para pantayan ang career-high, nagsumite ng 22 points 8 of 14 shooting at 4 for 9 mula 3-point range para itulak ang Elasto Painters sa 5-5 baraha.

Inakbayan ang biktima sa 5th-6th place ng PBA Commissioner’s Cup standings, maniniguro ng puwesto sa quarterfinals ang Rain or Shine kapag naipanalo ang huling laro sa eliminations kontra 4-5 San Miguel Beer bukas, Sabado sa Cagayan de Oro City.

Nilista ni Big Beau ang career-best 23 points noong Nov. 13, 2015 sa 113-111 loss ng Painters kontra GlobalPort sa Philippine Cup.

Ayon kay Belga, malaking motibasyon sa kanila na magpakita sa Big Dome si Bowles kahit may MCL (medial collateral ligament) tear sa kanang tuhod na nakuha sa 86-84 win kontra Alaska noong Sabado.

“Na-challenge kaming lahat,” aniya.

Nagsumite ng 20 points, 12 rebounds at 4 assists sa kanyang debut si Montgomery, may 14 points pa si Ed Daquioag at tig-7 points sina Kris Rosales at Javee Mocon. Nilista ni Mocon ang lahat ng puntos niya sa fourth nang magkasa ng 11-0 run ang Painters para kumalas mula sa 69-69 count.

“’Yung presence ng import ninyong nagbuwis ng buhay, na-injured, sumusuporta sa inyo, ‘yun na ‘yung extra motivation for you to play better,” panapos na lahad ni Belga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?