51

By

Belangel ‘silent killer’ ng Ateneo

Tahimik lang pero napapakinabangan.

Ganito ang papel ni Ateneo guard SJ Belangel na sinandigan ng three-peat champs Blue Eagles sa mga huling minuto ng Game 2 victory nila kontra UST Growling Tigers nitong Miyerkoles, 86-79.

“Siguro yung mindset ko lang is for my seniors ‘yun lang talaga. I won’t let kuya Matt [Nieto] down, ‘yung mga sinasabe niya sakin and rine-remind niya ko lagi na galing off the bench na keep the energy, so ayun, siguro mindset ko lang is, this is for my seniors. Luckily I hit my shots.” saad ni Belangel.

Nagpakawala si sophomore Belangel ng mga pamatay na three-point shots kung saan nagtala ito ng 15 points, 5-of-10, mula sa three-point area.

“Ewan ko niloloko nga ako ni Thirdy [Ravena] na fireman daw ako. Well, we needed a basket, siguro, lagi point guard ‘yung iniaasahan, nakuha ko kay kuya Matt [Nieto] yung confidence na puso lang. Alam nyo naman na si kuya Matt ‘di magpapatalo saka syempre kay kuya Ty [Tio] huwag n’yo kakalimutan ‘yan, dun ako kumukuha ng confidence sa kanilang dalawa, so ayun na sho-shoot ko.”

Para naman sa kanilang susunod na season, iginiit ni Belangel na handa paring dumiliber ang mga matitirang players para sa koponan.

“For me, (we) just have to be ready. Hindi lang naman talaga ako eh, nandyan si kuya Ty [Tio]. Huwag talagang kakalimutan si kuya Ty. Sa mga nagagawa ko ngayon dahil sa kanilang dalawa ‘yun ni kuya Matt saka ni kuya Ty, so in pratices we pushed each other hard para in game lahat ng mga ginagawa namin alam na namin. So, ayun next man up, kami ni kuya Ty hindi ako lang,” sambit nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?