692

By

Bebot pinisa ang ‘itlog’ ng ka-live-in

Piniga hanggang sa dumugo ang maselang bahagi ng isang lalaki ng magkaroon ito ng away sa kanyang ka-live-in partner.

Saad ng biktima na hindi pinangalanan, nagkasagutan umano sila ng kanyang dyowa na si Katie Lee Pitchford ng bigla itong magwala at hinampas-hampas siya ng brush.

Matapos siyang banatan ay hinawakan umano ang kanyang maselang bahagi at saka ito piniga ng madiin hanggang sa dumugo, ayon sa report ng Miami Herald.

Hindi pa natapos ang babae, sinakal pa umano ang biktima bago nakatakas at nakapagsumbong sa mga pulis.

Nang dumating ang mga pulis ay dumudugo ang mukha ng biktima at may pasa sa mata.

Inaresto si Pitchford at nang makausap ng awtoridad ay gusto umanong makausap ang BF para makapag-sorry.

Nahaharap sa kasong domestic battery si Pitchford, na idinenay na sinaktan niya ang boyfriend.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?