45

Bebot pinasabog ang bungo

Patay ang isang babae matapos na ito ay barilin sa ulo habang nangangapitbahay sa Batangas City Biyernes ng gabi.

Dead on the spot ang biktimang si Connie Miñon, residente ng Barangay Balagtas.

Batay sa report ng Batangas City police, alas 8;30 ng gabi, nakaupo sa harap ng bahay ng kanyang kapitbahay ang biktima nang malapitan itong barilin ng suspek na si Randy Dose y Gonzales.

Nagtamo ito ng isang tama sa ulo na agad nitong ikinasawi.

Tumakas naman ang suspek matapos ang krimen.

Inaalam pa ng mga pulis kung ano ang motibo sa krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?