34

By

Bebot pinagbawal sa kampanya dahil sa takot sa asawa

Isang kandidato sa pagka-gobernador ng Mississippi ang hayagang sinabi sa isang babaeng reporter na hindi siya nito pwedeng interbyuhin maliban na lang kung may kasama siyang lalaki.

Ayon kay Robert Foster, bago siya nagdesisyon na tumakbo, nangako siya sa kanyang asawa na susundin niya ang tinatawag na “Billy Graham Rule”, kung saan iiwasan ang anumang sitwasyon na magdudulot ng suspetsa o maikokompromiso ang kanilang marriage.

Batay naman sa campaign director ni Foster na si Colton Robison, kailangang samahan si Larrison Campbell, female reporter ng Mississippi Today, ng lalaking colleague nito sa upcoming 15-hour campaign trip ng una dahil naniniwala sila na kapag may kasamang babae kahit pa reporter, ang isang kandidato, maaari itong magamit sa smear campaign para palabasin ang pagkakaroon ng extramarital affair.

Dagdag naman ng first-term state lawmaker, gusto lang din niyang maging respectful sa kanyang misis.

Kahit sa business niya aniya’y ginagawa niya ito kung saan hindi siya nagpapaiwan na may kasamang babaeng empleyado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?