305
aerieal
By

Bebot ni June Mar, tinalakan sa telepono

Nagulantang ang longtime girlfriend ni PBA four-time reigning MVP June Mar Fajardo na si Aerial Patnongon nang ‘masigawan’ at matalakan ng isang caller sa telepono.

Kwento ng Lady Eagles spiker na si Patnongon sa kanyang Twitter account, nagkaproblema ang kanilang cable line at sinubukan niyang tumawag sa SkyCable upang ipaayos ito.

Gayunman, na-wrong number yata ng dial ang GF ni Fajardo.

“So I was calling SkyCable at kinonek nila ko sa kapwa kong tumatawag din sa Sky. So ano na? Magtutulungan kami ayusin cable namin? Ganon? Kaloka,” tweet ni Patnongon.

Hindi pa rito natapos nang bigla umano siyang sigawan ng lalaki sa kabilang linya.

“Sobrang awkward as in bigla sabi nung lalake “Hello? Bakit nawalan ‘yung cable namin ng Channel 2 at 7?” At galit pa siya hahaha. Tapos ako, “ahmm tumatawag din po ako sa Sky.” Tapos ‘di pa naniniwala ‘yung lalake sa akin,” dagdag tweet ng balibolista.

Humakot ng halos 200 likes ang tweet ng 26-anyos na dalaga at dahil dito, minadali na ng SkyCable ang pag-ayos sa kanilang linya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?