73

By

Bebot natagpuang patay sa Pasay

Wala nang buhay nang matagpuan ang isang hindi pa nakikilalang babae na may mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa Taguig City, Huwebes ng madaling araw.

Sa ngayon ay patuloy pa ring inaalam ng pulisya ang pagkakilalan ng biktima na tinatayang nasa edad na 35 hanggang 40 taong gulang, may taas na 5’1″ hanggang 5’3″, mahaba ang buhok, nakasuot ng pulang blusa at itim na maong na pantalon, at may dalang kulay gray na shoulder bag.

Sa inisyal na ulat ng Taguig City Police, dakong alas-6:00 ng madaling araw nang makatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen ukol sa natagpuang bangkay sa bahagi ng C-6 Road sa Barangay Sta. Ana ng naturang lungsod.

Kaagad namang rumesponde ang mga pulis at kinordonan ang lugar kung saan natagpuan ang bangkay nito.

Dahil sa kawalan ng saksi sa krimen, blangko pa rin sa imbestigasyon ng pulisya ang pagkakakilanlan at motibo sa krimen.

Maaariumanong pinaslang sa ibang lugar ang biktima at tinapon lang sa naturang kalsada upang iligaw ang imbestigasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?